Friday, April 22, 2005

Improbus et Impracticum (everyday cure for your unwanted stupidity)

Isang sakay (na tatagal ng 15 minuto lamang) ang layo ng Concepcion, Marikina City mula sa Unibersidad ng Pilipinas, inabot ako ng isang oras at kalahati sa dalawang mahahabang sakay. Lumabas, binaybay ko ang Katipunan at ang kahabaan ng Aurora Boulevard. Ang dahilan ko? Ala actually di ko nga maisip e. Pagdating ko amoy araw na ako, at ang lahat sa simbahan ay binigyan ako ng nakapagtatakang tingin---improbus et impracticum

Ala akong pakialam sa buhok ko, well, sige sa katawan ko. Sabi ng katiwala kong barbero (contradictory ata) na magpa-hot oil na ako kasi sobrang tuyo na ang buhok ko, next stop na raw ang dandruff. Kanina, alas tres naglalakad ako sa bilad ng araw nag-aantay ng masasakyan habang dumaraan ang ilang jeep na alang sakay---improbus et impracticum

May kausap akong kagalang-galang na ekonomista ng Ateneo sa labas ng opisina ng simbahan nang dumating ang isang batang nanlilimos, nadistract ako at naawa kaya kinausap ko at inabutan ng limang piso. So tinawag nanaman ako ng ekonomista, at gayun din ng bata na tipo may inaalok na sampaguita. Sa inis ko, hinarap ko ang ekonomista at sinabing: “Andali lang bata.” Agad kong hinarap ang bata at winika: “Ano po iyon sir?” (note: halos magkatabi sila, plus gutom na ako nun)---improbus et impracticum

In the same light, I called my math 100 professor by her last name: Sabi ko: BETTY! She glanced and smiled reminding me that Betty was her last name, Rowena was her first name, and we had no attendance checking for the day ---improbus et impracticum

Going on a tiring department to department inquiry asking them about their GE offerings while all my friends who were also knowledgeable were a SMS away---improbus et impracticum

Tinanong ko isang good friend ko na lower batch sa Marist (ang dakila kong high school) nang magkita kami sa Goldilocks kanina na malapit sa simbahan: “Bryan nakita kita sa Marist a!”---in all smiling innocence. He was like: duh! Paolo tsong, okay ka lang? ---improbus et impracticum

A while later, I used a spoon on my palabok---improbus et impracticum

Honga pala kanina rin to, I try to deny an allegation made by Grace and Mau that was purely based on hunch by telling them to trust their hunches figuratively (panu un? I have my ways) --- improbus et impracticum

Nagbubuhat na kami ng mga gamit back and forth the church for our April 30 adventure challenge thing, so nakasakay kami ng fx, by some flicker of a wrist paatras ako bumaba as in kaharap ko sila while my feet gently felt the ground---improbus et impracticum

Paying a long tricycle ride home the standard jeep fare: Manong bayad po: 5.50, yabang ko pa wearing my naughty grin. All he gave me was a stare and I got his point on the spot---improbus et impracticum

This happened in one freakin day! I have my earlier blog to thank…so read it!

Coming home to a warm welcome from family? Now there’s nothing stupid in that.

Writing this blog? No, I’d take this ordeal any given day.

Being sentimental as much as I am corny, mediocre, and weak? I have my fallbacks!

Praying to God after this one? By all means that is something worth looking forward to.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home