Saturday, August 06, 2005

Isang pasada

Time to break the cycle...

1. Pinagnilayan ko kanina kung ano ang mangyayari sa tropang pol sci pagkatapos umakyat sa entablado at makuha ang diploma. Malamang wala naman akong hahagkan, wala naman akong hahalikan (God forbid...umaasa pa ako). Malamang hanggang kaway na lang ako at smile sa graduation day. Tanong ko, meron kayang hahalik sa akin, meron kayang yayakap sa akin maliban sa magulang at ilang katropa ko?

2. Which leads to number to two. Karapat-dapat ba akong halikan, kurutin, bigyan ng affection o lambing man lang? There's a fine delineating line between me and great men like Louie, Jason, Kristian and Dominic. They get the goods...I don't deserve any. How's that again? Wala akong ibubuga sa appeal ng mga to. It's pretty obvious, girls get the good signals from them, girls relate with them better, girls find peace in their presence. I'm envy them in a very good way because I know the anomaly is me....ako ang kasiraan sa magagadang lalaki ng pol sci. Hindi dapat ako magtaka...it's like parang may isang sticker sa noo ko na nagsasabing: OKAY, NEXT PLEASE o kaya OKAY, LUBAYAN MO AKO PAGKATAPOS MO MAG-HELLO. Ewan, ganoong kababa tingin ko sa sarili ko minsan.

I do not mean to project myself as this, pero kanina sa reflection time namin sa youth ministry napag-alaman ko na ganoon nga minsan ang palagay nila sa akin---seryoso, sobrang out of place o nagpapa-out of place, troubled. Which IS NOT THE CASE.

I need a hug. I need to hibernate...but I can't...the forces that be.

3. Na napunta naman sa number three, bakit ba ako ganoon? Sa miting namin sa Buklod na tinatawag ko ngayon na BK barang burger stop diba? As I was saying, dun sa miting, tulala ako. Sa dyip, turete ako...alang matinong masabi kay Grai...Sa mall, sinusubo ko at nginunguya dahan-dahan ang fries habang ang mata ay nakatuon sa kawalan ng sahig. Sa bahay, nag-videoke tapos kain, tapos tingin sa notes...mamaya na lang. I am living in a vicious cycle of habits and guilty pleasures. Have I reached point of breaking? I'd like to think that other people have bad days, and some live far worse lives than mine. But still...

Papers, midterms, extra-curriculars, church, politics? Not everyone's cup of tea.

4. Pang-apat, nabubuhay ako sa isang pangarap. Speaking of, nasa dyip ako kanina (what's new?) e di may bata, na may kasamang dalagita...ate nya malamang. Naamoy ko yung fragrance ng pabango nung dalaga. Napa-shet ako na pabulong kasi lam ko yun na yun yung amoy ng isa nating batchmate at katropa. Nadulas lang. Tngin yung bata sabi sa ate: ata, nagmura yung lalaki. SIYETE, sira nanaman ang imahe hahaha. Buhay nga naman sa isang pangarap...

Ang realidad. Tanong ng tanong si inay dito: Itatapon na ba natin ito? Ako naman, hindi ng hindi. Groge ako rumaragasa ang sipon sa kambal ilog ng aking ilong: si Tigris at Euphrates, ayoko na pag-isipan kung may halaga pa ang mga bagay na luma sa akin. Sorry kung graphic, sorry talaga... Pero kung meron mang bagay na may halaga---eto ay ang isang conversation.

Grai, salamat sa conversation. Even a blank stare okay na, pero ikaw, you bring it on! Go girl! Kaw naman Marian...ewan di kita matimpla ever!

Are my blogs readable? I need a critique. Then again, I will pay not much attention to it. I am me. I know I may not be the perfect man in shining shimmering splendid armor to many people. But to my dear friend in Archi, to my cousins in La Salle, katoto in Ateneo and UP Engg, to my pals in Pol Sci, my peepz in Buklod, my brethren in Church, my fellowmen....LET THERE BE WORLD PEACE hahaha....I can only be myself. To the tindero ng taho, to the counter girl na lagi kong napipilahan sa Mcdo Robinson's Metro East, sa gwardya at agent ng Globe Business Center na tinatanong ko bout my dream phone, sa mga kasama sa alumni office, sa mga batang nginignitian ko sa kalye, sa mga Gen Lnkers good luck sa UPCAT...sa lahat....

Kahit na dun sa nakikinig sa mga greetings ko sa RT 99.5 FM.]

they find much joy in me, being myself. Bend me, twist me, hurt me...I have much faith in someone far beyond anyone's comprehension.

Kaya pag b-day ko sa Pebrero, sa PPSA trip sa OCtober (SUMAMA KAYO A!), sa Pasko, sa lahat, at kahit na sa pag-graduate di ako nag-aalala.

Halikan nyo man ako, kurutin o deadmahin kung inggit lang...ikaw yun, ibahin nyo kami.

It boils down to what they have to say, how much you have touched them...that does not mean how many times they hug, kiss, scream for you or do crazy stuff in your hnor...

Legacy friends...your gift to God...and let that be the bottomline...beep beep!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home